~ This is actually just a flashback ~
Nakalimutan ko gumawa ng entry about this. Hindi ako pumasok nung first day ng intrams kasi tinatamad ako. First time ko naramdamang tamarin kapag pumapasok. Panu ba naman, nababahala ako kasi wala pa akong regalo para sa aking mga kaklase. Pumasok ako kinabukasan kung kailan last day. Hindi ko nga alam kung sinung mga nanalo eh. Napakaarte kasi ng Division Office. Kung inaprove na sana nila since Monday edi sana nakapagsaya pa kami. Hayz, Dalawa lang ang nabisita kong booths. Jail Booth at PS2 booth. Nandun lang ako sa 2nd floor at nagbabantay sa PS2 booth. Pano ba naman itong si Regie na “may-ari” nung booth ay pagala-gala, sa akin pa inentrust yung booth eh bagong salta lang ako. Andaming adeek sa naruto! Gusto ba naman I-rent yung PS2 for 5 hours?! Baka sumabog yun bigla. Anyway, na-inosente ako dun sa Naruto.Ang latest kasi naming laro sa PS2 na Naruto eh yung Ultimate Ninja 2 lang… Akalain mo yun…Hehe. Nahalata ko lang na Japanese pa…At least English yung latest naming game hehe. Naisip ko lang kung paano na unlock ni Ysrael yung mga characters kung for the whole time eh kiniclick niya lang yung X button. Hmm… Anhirap magbantay, inaantok na nga ako eh. Sila panay laro lang. Wala man lang ako nasaksihang laro between 2 teams. Panu ba naman, nakakulong ako sa PS2 booth -_-. Nakapagpahinga lang siguro ako noong lunch na. Around 4:00, naghold ng tournament si Regie ng Tekken 5… Hayz.. hulaan niyo ang premyo…[ticket…anung gagawin mo dun eh magsasarado na mga booths][Aw,, next year na lang
Wala na kami next year
] Anyway, nakakatuwa kasi ako yung nakatalo sa contender na supposedly magiging champion nung tournament…[Haha Xiaoyu rulezz!] Kahit muntik na akong matalo ni Christy ng dahil sa puro patid x_X
Ang napanood ko lang ata na matino sa intrams ay ang cheerdance. Napaka hyper ni Dez…Hehe overall, panalo talaga ang green sa mga kendeng na steps ni Dez. Hindi ko alam kung bakit ang konti ng sumayaw sa Blue kaya walang say sa ibang teamz. Ang yellow team.. Ahm.. so-so. My team..[i mean red] … Hanep sa mga seducing na steps at panay rolyo sa sahig…[Watver -_-] Daig pa rin sila ng energy ng Green eh… Pero at least meron kaming boys na cheerer yung green pure girls kaya siguro madali lang gawan ng choreography.
Ang bigat ng dala ko nung pauwi na kasi binigay sakin yung ingredients ng Macaroni Spaghetti…2kg Macaroni 1.5kg spaghetti sauce… 1kg ground pork?..1kg hotdog…ketchup… quickmelt na cheese… hayz… Umuwi muna tuloy ako imbis na diretso sa Festi.
I’ll write about Battle of the Bands later…
——
Nakakatuwa si Ma’am Carol habang nagawa ng Pompoms.

Recent Comments