Hmm, musta naman yun… Ngayon lang ulit ako nakapagsulat dito. Hindi kasi ako makapagsulat kapag may katabi ako sa kwarto…Wala kasing pasok kuya ko. Well anyway, salamat po sa mga nag regalo sa akin.(Lalo na kay Kevin! Hahaha, salamat sa OST ng Rorouni :D) Siguro this year ang pinakamasayang Christmas party na na-atendan ko. Disregarding the bulyaw ng aking nanay kasi pinagluto ko siya ng Macaroni spaghetti ng wala sa panahon. Nagalit siya sa akin kasi mahirap na daw mapintasan lalo na kapag sa pagkain. Super galit talaga siya sa akin, nung una ayaw niya pa lutuin… Hmm, she even asked our neighbors kung pano ba ang tamang timpla or kung pano ba ang tamang luto kasi nga naman, hindi naman kami lumaki sa karinderya. I’m so guilty na nagawa ko yun. Ang rason ko naman kung bakit ko tinanggap yung task is that member ako(nilagay na lang ako) ng Food Committee. My mother said that food is not a man’s responsibility. I’ve been thinking na matagal na niyang sinasabi sa amin na walang pinipili kung babae o lalaki ang trabaho… Napakaironic niya talaga. Oo nga pala, kulang yung sauce kaya naman hindi namin nilahat yung macaroni :D. Yung mga gutom pa diyan mula sa Christmas party ng Pauli, hali kayo dito sa bahay kung gusto ninyong makita kung saan napunta yung kulang.
Now, It’s about the games. Buti na lang may natapos nang group dun sa relay ng Flour and Mentos. I can’t imagine the taste kung may harina ang mentos… After that, nagbatuhan na sila ng harina. I hide beside the trees para hindi nila ako habulin. Naawa ako kay Farshana, binuhusan nila ng harina, may hika pa mandin ung tao.
Ang hirap mamili ng regalo para sa lalaking kaklase. Kapag kasi babae, stuff toys lang katapat niyan, kapag lalaki, ang hirap maghanap. In the end, animals ang naging theme ng aking mga regalo. As in ANIMALS lahat.
Dalawa nakabunot sa akin, hindi ko alam kung bakit -_-. Wawa naman si Nicole, walang nakabunot sa kanya. I don’t feel lucky at all, parang nakokonsenya nga ako eh… Namimili nga ako kung anung i-gigive up ko dun sa dalawang gifts eh… kaso, iniisip ko yung effort nung nagregalo sakin sa paghahanap ng panregalo[pati pagbabalot] kung ibibigay ko na lang basta basta…
Hindi ko alam kung nang-iinis ba o hindi niya nabasa yung wishlist ko nung nagregalo sakin. Nakalagay kasi dun, anime merchandise.. EXCEPT action figures, wallpapers and calendar. Guess what, s/he gave action figures of Naruto. There were three action figures[I guess to fill up the P200][Tsunade, Kisame, and Sasuke][So uhm, what am i suppose to do with it now…?]
My mother was so funny when she received a cellphone from my brother…Haha tuwang-tuwa siya. Matututo na raw siya at last. Ang yaman ni kuya noh? Hindi ko nga alam kung magkano yun eh… Pero chipipay lang yung phone, alang camera walang bluetooth…Hehe yuck…
Kaso may flashlight…Haha nakakatuwa
Noong gabi ng Dec. 25[umaga pala ng Dec.26], nag crack ako ng joke sa kuya ko… Hehehe, sabi ko bakit wala pa rin si Santa eh hatinggabi na…[The time that moment was actually 1:00 am already] wala lang… Tsk..Dati talaga nagpapasabit ako ng medyas sa bintana ng kwarto para lang dyan. As I grow older, sila na mismo nagconfess na ang Santa na naglalagay ng regalo sa mahiwagan medyas ay ang tatay ko -_-. Nagagalit pa ako kapag nakaligtaan ko.[ako na nga may kasalanan eh noh…][Meron pa rin namang nakalagay na regalo…Biglang nagkakaron ng medyas minsan.]
Balak ko sana ngayong bakasyon na magbasa ng El Fili pero natripan ko basahin yung Around the World in Eighty Days ni Jules Verne. I wish matapos ko both. Inaalala ko yung project namin sa Filipino… Si Patrick lang ang kilala kong magaling magdrawing sa group. Ang tanging magagawa ko lang is to read para masummarize ang mga dapat isama sa comics.
Sinusubukan ko hindi matemp pero natetemp ako maglaro… Hayz, nakakainis nga eh, miski StarCraft pinag-aaksayahan ko ng panahon! Gah…Ang gusto ko lang tapusin this vacation ay Chrono Cross pero mukhang hindi ko matatapos kasi inagawan ako ng kuya ng joystick…Hmm, tomorrow, magbabasa na talaga ako ng El Fili. Siguro mga 2-hour break na lang yung paglalaro ko. Sisiguraduhin ko talaga nako… Tanghali na nga gising ko eh maglalaro pa ako…Anu nang mangyayari sa bakasyong toh…
Ang hirap mag recollect ng memories… So far, yan pa lang ang nangyayari…
Honga pala, out of 9 simbang gabis, 1 lang na-atendan ko… hay naku… badtrip, kailan kaya ako makakabuo…
Bakit ba ako nagtatagalog ha? Sori sa mga hindi ko pa nabibigyan ng comment o tag, hindi ako masyado nakakapag internet maliban sa pagbubukas ng advent calendar sa neopets :D. Hindi na rin ako nakakapunta sa munsci forums…hay, andami ko napapabayaan… Kailan kaya magiging organisado ang buhay ko T_T

December 31st, 2007 at 6:19 pm
buti ka pa mas productive ang bakasyon mo.
ahaha!
January 1st, 2008 at 12:22 am
Haha, not really ~ lagi kasi akong tanghali magising, I never had the chance to exercise just like what I said in my entry Tango.
January 3rd, 2008 at 8:27 pm
inay..
di mo na kelangan mag-exercise..
ahaha!